Exodo 3:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Bukod dito ay sinabi, (A)Ako ang Dios ng iyong ama ang Dios ni Abraham, ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob. At si Moises nga ay nagtakip ng kaniyang mukha; (B)sapagka't siya'y natakot na tumingin sa Dios.
Sinugo ng Dios si Moises upang iligtas ang Israel.
7 At sinabi ng Panginoon, (C)Akin ngang nakita ang kadalamhatian ng aking bayan na nasa Egipto, at aking dininig ang kanilang daing dahil sa mga tagapagpaatag sa kanila; sapagka't talastas ko ang kanilang kapanglawan.
8 At ako'y bumaba upang (D)iligtas sila sa kamay ng mga Egipcio at upang sila'y isampa sa isang mabuting (E)lupain at malawak, mula sa lupaing yaon, sa isang lupaing (F)binubukalan ng gatas at pulot (G)sa dako ng Cananeo, at ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Heveo at ng Jebuseo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978