Add parallel Print Page Options

Pumunta si David sa Rabba at kinuha ang gintong korona sa ulo ng hari ng mga Ammonita,[a] at inilagay niya ito sa kanyang ulo. Ang bigat ng korona na may mamahaling bato ay 35 kilo. Marami pang bagay ang nasamsam ni David sa lungsod na iyon. Ginawa niyang alipin ang mga mamamayan doon at pinagtrabaho, gamit ang lagare, piko, at palakol. Ito ang ginawa ni David sa mga naninirahan sa lahat ng bayan ng mga Ammonita. Pagkatapos, umuwi si David at ang lahat ng sundalo niya sa Jerusalem.

Ang Digmaan Laban sa mga Filisteo(A)

Makalipas ang ilang panahon, muling naglaban ang mga Filisteo at mga Israelita, nangyari ito sa Gezer. Sa labanang ito, pinatay ni Sibecai na taga-Husha si Sipai,[b] na isa sa mga angkan ng Rafa.[c] At natalo ang mga Filisteo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 20:2 hari ng mga Ammonita: o, Milcom. Si Milcom ay dios ng mga Ammonita.
  2. 20:4 Sipai: o, Saf.
  3. 20:4 Rafa: o, Refaimeo. Maaaring ang matatangkad na tao na naninirahan sa Canaan bago dumating ang mga Israelita. Tingnan sa Deu. 2:10-11.