Add parallel Print Page Options

Ang mga Ingat-yaman at ang Iba pang mga Opisyal

20 Ang ibang mga Levita[a] na pinamumunuan ni Ahia ang katiwala sa mga bodega ng templo ng Dios, kabilang na ang mga bodega ng mga inihandog sa Dios.

21 Si Ladan ay mula sa angkan ni Gershon at ama ni Jehieli. Ang ilan sa mga miyembro ng kanyang pamilya ay mga pinuno rin ng kanyang mga angkan. 22 Ang mga anak ni Jehieli na sina Zetam at Joel ang katiwala ng mga bodega ng templo ng Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 26:20 ibang mga Levita: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, Ang Levita, si Ahia.