Add parallel Print Page Options

17 Ang mga guwardya ng pintuan: sina Shalum, Akub, Talmon, Ahiman, at ang kanilang mga kamag-anak.

Si Shalum ang pinuno nila.

18 Hanggang ngayon, sila pa rin ang guwardya ng Pintuan ng Hari sa bandang silangan ng lungsod. Sila noon ang mga guwardya ng pintuang papasok sa kampo ng mga Levita.

19 Si Shalum ay anak ni Kore at apo ni Ebiasaf,[a] na mula sa pamilya ni Kora. Si Shalum at ang kanyang mga kamag-anak na mula sa angkan ni Kora ang pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng pintuan ng Tolda katulad ng kanilang mga ninuno na pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng pintuan ng bahay[b] ng Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:19 Ebiasaf: o, Abiasaf.
  2. 9:19 bahay: sa literal, kampo.