Font Size
1 Macabeo 11:33-35
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Macabeo 11:33-35
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
33 Ipinasya kong bigyan ang bansang Judio ng ilang karapatan sapagkat sila'y matapat na kapanalig at tumutupad sa kasunduan. 34 Pinapagtibay(A) ko ang kanilang karapatan sa lupain ng Judea at sa mga lunsod ng Efraim, Lida, at Arimatea, na idaragdag na ngayon sa Judea mula sa Samaria, kasama ang lahat ng lupain nila. Dahil dito, makikinabang ang sinumang nagpupunta sa Jerusalem para maghandog dahil ang taunang buwis sa mga ani mula sa mga lupaing ito ay hindi na ibibigay sa hari kundi sa Templo. 35 At inaalis ko na rin sa kanila ang pataw na buwis mula sa mga ikasampung bahagi, sa upa, sa asin, at mga tanging buwis.
Read full chapter