Add parallel Print Page Options

Ngunit taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ipakita na ang walang kapantay na kapangyarihang ito ay mula sa Diyos, at hindi mula sa amin. Kabi-kabila ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nadudurog; nalilito ngunit hindi nanlulupaypay; pinag-uusig, ngunit hindi pinababayaan; pinababagsak, ngunit hindi nawawasak.

Read full chapter