Add parallel Print Page Options

Kaya't itinatag ng Panginoon ang kaharian sa kaniyang kamay; at ang buong Juda ay (A)nagdala kay Josaphat ng mga kaloob; at siya'y nagkaroon ng mga kayamanan at dangal na sagana.

At ang kaniyang puso ay nataas sa mga daan ng Panginoon: at bukod dito'y (B)inalis niya ang mga mataas na dako at ang mga Asera sa Juda.

Nang ikatlong taon naman ng kaniyang paghahari ay kaniyang sinugo ang kaniyang mga prinsipe, sa makatuwid baga'y si Ben-hail, at si Obdias, at si Zacharias, at si Nathaniel, at si Micheas, (C)upang mangagturo sa mga bayan ng Juda.

Read full chapter