Add parallel Print Page Options

13 “Ipapadala ko sa iyo si Huram Abi na isang mahuhusay na manggagawa. 14 Ang kanyang ina ay mula sa Dan at ang kanyang amaʼy mula sa Tyre. Dalubhasa siya sa paggawa sa ginto, pilak, tanso, bakal, bato at kahoy, at sa paggawa ng telang kulay ube,[a] pula at asul, at pinong telang linen. Dalubhasa siya sa kahit anong uri ng pag-ukit, at makakagawa siya ng anumang uri ng disenyo na ipapagawa mo sa kanya. Gagawa siya kasama ng iyong manggagawa at ng mga manggagawa na pinili ng kagalang-galang[b] na si David, na iyong ama.

15 “Ngayon, kagalang-galang na Solomon, ipadala mo sa amin ang trigo, sebada, alak at langis ng olibo na iyong ipinangako,

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:14 telang kulay ube: o, sinulid.
  2. 2:14 kagalang-galang: sa literal, panginoon. Ganito rin sa talatang 15.