Font Size
Apocalipsis 5:6-8
Ang Biblia, 2001
Apocalipsis 5:6-8
Ang Biblia, 2001
6 Pagkatapos(A) ay nakita ko sa gitna ng trono at ng apat na nilalang na buháy at sa gitna ng matatanda ang isang Korderong nakatayo, na tulad sa isang pinaslang, na may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong Espiritu ng Diyos, na sinugo sa buong daigdig.
7 Siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay ng nakaluklok sa trono.
8 Pagkakuha(B) niya sa aklat, ang apat na nilalang na buháy at ang dalawampu't apat na matatanda ay nagpatirapa sa harapan ng Kordero, na ang bawat isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na punô ng insenso, na siyang mga panalangin ng mga banal.
Read full chapter