Apocalipsis 6:8-10
Ang Biblia (1978)
8 At tumingin ako, at (A)narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, (B)na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.
9 At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng (C)dambana (D)ang mga kaluluwa ng mga pinatay (E)dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila:
10 At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, (F)hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978