Font Size
Daniel 3:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Daniel 3:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
22 Dahil sa mahigpit ang utos ng hari na patindihin ang init ng pugon lumabas ang apoy kaya nasunog at namatay ang mga kawal na nagdala kina Shadrac, Meshac at Abednego. 23 Samantala, nakagapos pa rin na bumagsak sa naglalagablab na apoy ang tatlong kabataan.
Ang Panalangin ni Azarias
24 Habang lumalakad ang tatlong kabataan—sina Hananias, Misael at Azarias—sa gitna ng apoy, umaawit sila ng papuri sa Diyos at dinadakila ang Panginoon.
Read full chapter