Font Size
Ecclesiastico 46:1-2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 46:1-2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Si Josue
46 Si(A) Josue[a] na anak ni Nun ay isang magiting na mandirigma,
siya ang kahalili ni Moises sa pagkapropeta.
Pinatunayan niya ang isinasaad ng kanyang pangalan—
naging tagapagligtas siya ng mga hinirang ng Diyos.
Nilupig niya ang mga bansang lumaban sa kanila,
at sinakop ang lupaing ipinangako sa Israel.
2 Kahanga-hanga siya nang kanyang hawakan ang tabak
at iwasiwas iyon laban sa mga lunsod ng kaaway.
Footnotes
- 1 JOSUE: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito'y “ang Panginoon ang nagliligtas”.