Josue 5:9
Ang Biblia (1978)
9 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Sa araw na ito ay inalis ko sa inyo ang (A)pagdusta ng Egipto. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Gilgal hanggang sa araw na ito.
Read full chapter
Josue 7:26
Ang Biblia (1978)
26 At (A)kanilang binuntunan siya ng malaking bunton na mga bato, hanggang sa araw na ito; at ang (B)Panginoon ay nagpigil ng kabangisan ng kaniyang galit. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na, Ang libis (C)ng Achor,[a] hanggang sa araw na ito.
Read full chapterFootnotes
- Josue 7:26 Samakatuwid baga'y bagabag.
Mga Hukom 1:26
Ang Biblia (1978)
26 At ang lalake ay pumasok sa (A)lupain ng mga Hetheo, at nagtayo ng isang bayan, at tinawag ang pangalan niyaon na Luz: na siyang pangalan niyaon hanggang sa araw na ito.
Read full chapter
Mga Hukom 15:19
Ang Biblia (1978)
19 Nguni't binuksan ng Dios ang isang guwang na nasa Lehi, at nilabasan ng tubig yaon; at nang siya'y makainom, ang kaniyang diwa ay (A)nanumbalik, at siya'y nabuhay: kaya't ang pangalan niyaon ay tinawag na En-haccore, na nasa Lehi hanggang sa araw na ito.
Read full chapter
Mga Hukom 18:12
Ang Biblia (1978)
12 At sila'y yumaon, at humantong sa (A)Chiriath-jearim, sa Juda; kaya't kanilang tinawag ang dakong yaon na Mahane-dan (B)hanggang sa araw na ito: narito, ito'y nasa likod ng Chiriath-jearim.
Read full chapter
2 Mga Hari 14:7
Ang Biblia (1978)
7 (A)Siya'y pumatay sa mga Idumeo ng sangpung libo (B)sa Libis ng Asin, at sinakop ang Sela sa pakikipagdigma, at pinanganlang Jocteel, hanggang sa araw na ito.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978