Font Size
Pahayag 3:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 3:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Mensahe para sa Sardis
3 “At sa anghel ng iglesya sa Sardis, isulat mo: Ito ang mga sinasabi niya na may pitong espiritu ng Diyos at pitong bituin:
“Alam ko ang iyong mga gawa, kilala ka bilang buháy, subalit ikaw ay patay. 2 Gumising ka, palakasin mo ang natitira sa iyo na malapit nang mamatay, sapagkat natagpuan kong kulang ang iyong mga gawa sa paningin ng aking Diyos. 3 Kaya't (A) alalahanin mo ang iyong tinanggap at narinig; gawin mo ito, at magsisi ka. Kung hindi ka gigising, darating akong parang magnanakaw, at hindi mo alam kung anong oras ako darating.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.