Font Size
Pahayag 6:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 6:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 Tumingin ako at (A) naroon ang isang maputlang kabayo, ang nakasakay doon ay may pangalang Kamatayan at ang Hades ay sumusunod sa kanya. Binigyan sila ng kapangyarihan sa ikaapat na bahagi ng daigdig upang pumatay sa pamamagitan ng tabak, taggutom, salot, at mababangis na hayop sa daigdig.
9 At nang buksan ng Kordero ang ikalimang tatak, nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinaslang dahil sa salita ng Diyos at dahil sa patotoong pinanindigan nila. 10 Sumigaw sila nang malakas na nagsasabi, “Dakilang Panginoong banal at totoo, kailan mo pa ba hahatulan ang mga naninirahan sa daigdig at ipaghihiganti ang aming dugong dumanak?”
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.