Font Size
Pahayag 6:8-10
Ang Salita ng Diyos
Pahayag 6:8-10
Ang Salita ng Diyos
8 Nakita ko ang isang kabayong maputla. Ang pangalan ng nakaupo roon ay Kamatayan. At sumunod ang hades sa kaniya. Binigyan sila ng kapamahalaan na patayin ang higit sa ikaapat na bahagi ng lupa, ng tabak at ng gutom at ng kamatayan at sa pamamagitan ng mabangis na hayop ng lupa.
9 At nang binuksan niya ang ikalimang selyo, sa ilalim ng dambana, nakita ko ang mga kaluluwa ng mga taong napatay dahil sa Salita ng Diyos at dahil sa patotoong taglay nila. 10 Sila ay sumisigaw nang malakas na nagsasabi: O Panginoon, ikaw ang banal at totoo. Hanggang kailan mo hahatulan ang mga taong naninirahan sa lupa at ipaghihiganti ang aming dugo?
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International