Add parallel Print Page Options

Kaya pumunta siya sa giikan para gawin ang lahat ng sinabi sa kanya ng biyenan niya.

Nang matapos kumain at uminom si Boaz, gumanda ang pakiramdam niya. Nahiga siya sa tabi ng bunton ng sebada para matulog. Dahan-dahang lumapit si Ruth at iniangat ang kumot sa paanan niya at nahiga roon. At nang maghahatinggabi na ay nagising si Boaz, at nang nag-inat[a] siya, nagulat siya na may babaeng nakahiga sa paanan niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:8 nag-inat: o, bumaling.